Friday, June 20, 2014

Love Feels V1




Naalala ko yung quote na pilit na dinidikit kay Bob Ong kahit hindi naman sa kanya. Na ang tao, mahina sa temptasyon. At isa ako sa kanilang di nakaiwas at nadala ng pagkakataon papunta sa mali.

Lahat daw ng ginagawa mo sa buhay mo e choice mo. Kung umiiyak ka, nanglalandi, nakikipagsex ng pa-nakaw at kung makasakit ka ng tao sa mga kalechehan mo, e choice mo. Pinili mo yun. At ginusto mo yun.

Naalala mo ba yung dating sinasabi ko sayo nung di pa tayo gaanong magkakilala? Nung sinusubok kitang sungkitin dahil tamad masyado si Juan sa pagkuha ng bunga mula sa puno? Puros haging na pangako na kung piliin mo man ako sa mga sandaling pag-ibig e di ka magsisisi at mga litanyang madalas madinig sa mga manloloko? Na di kita iiwan, di pababayaan, sa akin ay hindi ka iiyak nang kahit minsan. Shit, bakit ko ginamit yung kanta ni Sam Milby.

Makalipas ang halos isang taon nating paglalandian sa isa't isa, palitan ng mga matamis na salita at akto, ay nandito na ngayon tayo. Sa tagpong masakit sa puso. Yung umaabot sa literal na sakit. May nagawa akong mali. Lumayo ka. Masaya ka na ngayon sa iba eh. Bakit parang ambilis naman? Parang wala lang nangyare? Sabagay, choice mo yan.

Wala na yung kasalo ko sa pagtayo ng pangarap para sa buhay sa hinaharap. Sumpaang forever and ever. Masama bang gustuhin ko ulit na makasama ka? Na bumalik ulit sa dati? Oo, kasalanan ko. Eto ata yung halagang dapat pagbayaran na hanggang ngayon e utang ko pa din. Kapalit ng pagsuway sa bawal. Sinira ang pagkatao sa paningin mo. Kala ko talaga dati, walang katapusan eh. Kaso naputol yung hagdang walang hangganan. Ang forever naging for never. Asa pa ko.

After all, ako naman may mali kaya ano bang dapat ko ireklamo? Dapat di na ko naniwala. Punyetang forever yan. Oo, choice ko nga yun na di pinag-isipan. Pero isa lang ang alam ko. Na kung anuman ang dinaranas ko ngayong mag-isa ako; hindi ito ang ginusto ko.

Sunday, March 23, 2014

LOVE LINES.




It was an unexpected call from an unregistered number. The other line's searching for a specific person whose name is the same with me. It was somehow unusual and a coincidence. Or maybe a dash of fate and destiny--two things which I do not believe in.

Kinda' funny how that call brought something between us. Two small lines tapped together. Two small lives touched to last forever.

Days, weeks, months have passed. I've known you and vice versa. We enjoyed each other's company.

It's coming. Our 12th month of being in this crazy little thing called love. Tomorrow's our anniversary. I've prepared myself for a surprise you may have planned.

I've waited throughout this day. I've been trying to call you, to reach out but the line is busy and unattended.

10:06 PM.
11:42 PM.
12:51 AM.

Since that day, up to now, I haven't got any message, call, or whatever form of communication from you.

Maybe that was your surprise and I didn't prepared enough for that. Its just too late when I finally realized.

Maybe I should have stayed to my belief. That fate and destiny do not exist. That love is a shitty thing.

**The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.**

Later? Nope. Never.

Thursday, October 31, 2013

3-IN-1 COFFEE


Ang pag-ibig ay isang timpla ng tasa o baso ng kape.

Ang baso ang mundong para sa atin.
Ang lalake ang purong kape.
Ang babae ang krema.
Ang asukal ang nagpapatamis at nagpapasarap sa pagsasama sa iisang baso.
Ang tubig ang naghahalo sa lahat ng sangkap.

May iba na gusto ng purong kape lang. Sapat na mag-isa. Solo, walang kasama o katuwang.

May iba naman na kape at krema lang. Sapat na sila na makapagtayo lang ng pamilya, kahit di masyado masarap ang maging paghahalo.

May mga katulad kong gusto ang saktong timpla  na may balanse ang kape, krema at asukal. Dahil kailangan naman talagang balanse at sakto lang ang mga bagay sa baso.

May iba na nagtitimpla at umiinom ng sobrang init na kape. Mapapaso at titigil sandali. Hihintaying lumamig ng konti habang pilit na inaalis ang init na naiwan sa dila. Wag kasing magmadali. Pag sobrang init, di din maganda.

May iba na hinahalo ang mainit at malamig na tubig kapag nagtitimpla. Ayun, nagiging sakto ang timpla. Medyo mainit pero di nakakapaso.

May iba na maligamgam na yung tubig pero pinilit pa rin magtimpla. Ayun, lumulutang yung mga powder na sangkap at di naayos yung timpla. Kailangan pang ihalo ng napakaraming beses para mawala yung lumulutang-lutang na powder substance. Tikman. Hindi ganun kasarap na katulad ng may sapat na mainit na tubig.

Gusto kong timpla yung sakto lang. Pero syempre, may kahiligan ako sa asukal kaya bahagyang matamis.

Kanya-kanyang panlasa lang yan. Gustong-gusto ko ang krema. Mahal ko ang asukal ko.

May nagbabalak na magtimpla ng isang baso. Hmm.


Teka, makapagtimpla nga muna.

Monday, October 14, 2013

REL : FOODTRIPPING


Hindi ko alam kung anong niluto n'yong dalawa. Kung anuman yun, alam kong pinagsaluhan nyo yun ng lagpas tatlong araw dahil madami yung ginawa nyo at hindi pa naubos, kaya nilagay mo sa refrigerator. Kumain sya. Kumain ka. Nung huhugasan na ang mga pinggan, tinanggap nya at ginawa ang parte nya ng maayos. Malinis ang plato. Samantalang ikaw, may mga bakas pa ng lumang pagkain dun sa platong hinugasan mo ng pabahagya.

Napunta ka sa malaking handaan. Iba't ibang makakasama sa pagluto ng bagong putahe. Bagong pagkain, kahit na may naiwan ka pa na nasa refrigerator. Tumikim ka ng ibang luto. Nakipagluto sa iba ng bago. Pero mabilis ka magsawa. Gusto mo lang kasi ng patikim-tikim. Pag nakakakita ka ng bago, dun ka naman kakain at makikisalo. Sabi mo, di mo tutularan yung tatay mong namatay sa kakakain ng marami at iba't ibang putahe. Pero di mo napapansin? Nagpapraktis ka na ng tulad ng ginagawa nya? Hindi ko alam kung anong lifestyle ang meron ka. Sabi ng karamihan, mature ka na daw, pero sa tingin ko, may naiwan ata sa pagiging mature mo.

Pare, wala akong pakialam at wala akong problema sa lifestyle mo. Healthy man yan o hinde. Anyare dun sa nauna nyong niluto three days ago? Ayun, nanlamig na at dahil ayaw mo ata ng hindi bagong luto at mainit-inti pa, yung bago sa panlasa ang hinahanap mo. Yung nalalasap mo sa bawat kain mo.

Sabi nga ng mga matatanda, hindi yan tipong pag nainitan ang dila mo, bigla mong iluluwa. At hindi dahil ayaw mo na, di mo na kakainin. Niluto nyo yan eh. Tapos maghahanap ka ng bago. May kinakain ka na nga at nginunguya mo pa, nagpapasok ka na naman sa bibig mo ng bagong ulam. Hinay-hinay lang. Baka mabulunan ka.

Uulitin ko, wala talaga akong pakialam kung anong gawin mo sa buhay mo. Nakakairita lang kasi na humihingi ka ng bagay na alam naman nating lahat na hindi dapat hinihingi kundi kusang binibigay ng ibang tao.

Bagong putahe. Bagong relasyon. Bagong kapartner sa pagluluto. Bagong karelasyon. Teka, idol mo ba si Chef Ramon Revilla Senior?

Saturday, October 5, 2013

POS-NEG : DRY CELL



Tayong dalawa ay baterya/battery. Isang POS (Positive) at isang NEG (Negative) ang meron sa bawat isa. Laging pinapa-alala at nakasulat sa makinaryang pinapaandar natin na "Don't use batteries of different type." Kaya, lagi tayong magkasama, magkatabi. Iisang brand tayo pero hindi lang naman ako ang pwedeng ibagay sa tuilad mo at hindi lang din naman ikaw ang pwedeng ibagay sa katulad ko. Pero yun ang itinakda ng taong may pangalan na "Tadhana."

Pinagdikit n'ya tayo. Nanggaling ka sa pabrika na may maayos, may magandang pasilidad at "kumpletos rekados." Galing naman ako sa hindi kagandahan at medyo napaglumaan na pabrika na may iisang tatak. Wala kang ideya kung gaano ko kagustong manatili ng matagal kasama ka sa makinaryang ito pero hindi ko mapigilang mag-isip na may iba naman. Oo, nangliliit ako dahil mas bago kang ginawa sakin. Dahil tila hindi ko mapantayan ang ginagawa mo kahit na sinasabi mo na ginagawa mo yun dahil gusto mo, at para narin sa ika-aayos ng makinaryang pinapa-andar natin. Gusto ko lang naman na mas malakas sa'yo yung enerhiya ko.

Nahihiya na 'ko sayo. Ayoko naman na mawala ka dahil literal na "kulang ako kung wala ka." Wala akong silbi pag mag-isa. Gusto kitang makasama.

Magkaiba man tayo, at lagi akong iba dahil sa pumapasok sa isip ko ukol sa lakas at enerhiya na hindi ko maibigay, isa lang ang mahalaga.

Wag kang mapapagod at malo-lowbatt agad agad. Batas siguro ito ng mundo ng elektroniks. Sabay nating paganahin ng maayos at mahusay ang makinaryang tinatawag na pag-ibig.


NR.