Tuesday, September 16, 2014

Yosi Break





Hithit-buga. Hithit. Buga.


Kung sana e ganto lang kadali ang lahat. Na anumang ipasok mo sa sistema mo ay parang usok galing sa sigarilyo na matapos mong hithitin ay mabibilis mong mabubuga.

Kaso hinde. Ginawa at nag-e-exist ang ilang bagay para maging kumplikado.


Marami akong mga katropa na kasabayan kong naadik sa bisyo na to. Yung ilan tumigil na, yung iba tuloy parin. Noon, nagtitipon kami minsan para mag-usap ng kung anu-ano na laging mauuwi sa tuksuan sa pag-ibig.

Sabe nung isa kong katropa dati na pilit nang umiiwas sa yosi, mali daw yung ginagawa ng iba na titigil bigla sa bisyo. Dapat daw dahan-dahan, wag biglain. So kung nakaka tatlong stick ka, dalawahin mo, hanggang maging isa, hanggang kalahati, hanggang tikim tikim, hanggang masanay ka na wala na.

Kungsabagay, may punto sya.


Hindi naman kasi tayo biglang naaadik sa mga bagay. Unti-unti lang hanggang lalong lumalala. So bakit ba tayo atat na magshortcut sa pag-iwas kung sa pagka-adik e nagdadahan dahan tayo?

Siguro ganto din yung pag-usad sa nasawing pag-ibig. Wag biglain. Maaring from lovers, turn to friends then from strangers again. Pero mahirap e. Sa lagay ng puso at estado ng pag-ibig ko ngayon, di ko alam ang gagawin. Alam kong kasalanan ko ang paglayo nya. Sinabi nya pang ayaw nya na saken. Na wag na ko manatili sa buhay nya.

Dahil ang pag-ibig ay isang uri ng bisyo. Na katulad ng mga shabu user na handang magbenta ng kung ano-ano para sa kinaadikan, ganun din tayo. Handa tayong gawin ang kung anu-ano para sa pag-ibig. Para manatili na nandyan, para maranasan ang sarap.

Alam mo, mahal kita. Tulad ng pagka-adik ng iba sa bisyo nila. Pero pwede bang kung wala na talaga at kailangan ko nang umiwas sa mga matatamis mong ngiti, malambing na tinig at mga buhok mong masayang sumasayaw sa hangin, dahan-dahanin mo din ang lahat? O pwede bang ituloy nalang natin ang paggamit sa drogang pag-ibig? Mahal kita. Sobra.

Puta, dami ko nang pinagsasasabe. Makapagyosi nga muna saglet.

0 comments:

Post a Comment