Saturday, October 5, 2013

POS-NEG : DRY CELL



Tayong dalawa ay baterya/battery. Isang POS (Positive) at isang NEG (Negative) ang meron sa bawat isa. Laging pinapa-alala at nakasulat sa makinaryang pinapaandar natin na "Don't use batteries of different type." Kaya, lagi tayong magkasama, magkatabi. Iisang brand tayo pero hindi lang naman ako ang pwedeng ibagay sa tuilad mo at hindi lang din naman ikaw ang pwedeng ibagay sa katulad ko. Pero yun ang itinakda ng taong may pangalan na "Tadhana."

Pinagdikit n'ya tayo. Nanggaling ka sa pabrika na may maayos, may magandang pasilidad at "kumpletos rekados." Galing naman ako sa hindi kagandahan at medyo napaglumaan na pabrika na may iisang tatak. Wala kang ideya kung gaano ko kagustong manatili ng matagal kasama ka sa makinaryang ito pero hindi ko mapigilang mag-isip na may iba naman. Oo, nangliliit ako dahil mas bago kang ginawa sakin. Dahil tila hindi ko mapantayan ang ginagawa mo kahit na sinasabi mo na ginagawa mo yun dahil gusto mo, at para narin sa ika-aayos ng makinaryang pinapa-andar natin. Gusto ko lang naman na mas malakas sa'yo yung enerhiya ko.

Nahihiya na 'ko sayo. Ayoko naman na mawala ka dahil literal na "kulang ako kung wala ka." Wala akong silbi pag mag-isa. Gusto kitang makasama.

Magkaiba man tayo, at lagi akong iba dahil sa pumapasok sa isip ko ukol sa lakas at enerhiya na hindi ko maibigay, isa lang ang mahalaga.

Wag kang mapapagod at malo-lowbatt agad agad. Batas siguro ito ng mundo ng elektroniks. Sabay nating paganahin ng maayos at mahusay ang makinaryang tinatawag na pag-ibig.


NR.

0 comments:

Post a Comment