Monday, October 14, 2013

REL : FOODTRIPPING


Hindi ko alam kung anong niluto n'yong dalawa. Kung anuman yun, alam kong pinagsaluhan nyo yun ng lagpas tatlong araw dahil madami yung ginawa nyo at hindi pa naubos, kaya nilagay mo sa refrigerator. Kumain sya. Kumain ka. Nung huhugasan na ang mga pinggan, tinanggap nya at ginawa ang parte nya ng maayos. Malinis ang plato. Samantalang ikaw, may mga bakas pa ng lumang pagkain dun sa platong hinugasan mo ng pabahagya.

Napunta ka sa malaking handaan. Iba't ibang makakasama sa pagluto ng bagong putahe. Bagong pagkain, kahit na may naiwan ka pa na nasa refrigerator. Tumikim ka ng ibang luto. Nakipagluto sa iba ng bago. Pero mabilis ka magsawa. Gusto mo lang kasi ng patikim-tikim. Pag nakakakita ka ng bago, dun ka naman kakain at makikisalo. Sabi mo, di mo tutularan yung tatay mong namatay sa kakakain ng marami at iba't ibang putahe. Pero di mo napapansin? Nagpapraktis ka na ng tulad ng ginagawa nya? Hindi ko alam kung anong lifestyle ang meron ka. Sabi ng karamihan, mature ka na daw, pero sa tingin ko, may naiwan ata sa pagiging mature mo.

Pare, wala akong pakialam at wala akong problema sa lifestyle mo. Healthy man yan o hinde. Anyare dun sa nauna nyong niluto three days ago? Ayun, nanlamig na at dahil ayaw mo ata ng hindi bagong luto at mainit-inti pa, yung bago sa panlasa ang hinahanap mo. Yung nalalasap mo sa bawat kain mo.

Sabi nga ng mga matatanda, hindi yan tipong pag nainitan ang dila mo, bigla mong iluluwa. At hindi dahil ayaw mo na, di mo na kakainin. Niluto nyo yan eh. Tapos maghahanap ka ng bago. May kinakain ka na nga at nginunguya mo pa, nagpapasok ka na naman sa bibig mo ng bagong ulam. Hinay-hinay lang. Baka mabulunan ka.

Uulitin ko, wala talaga akong pakialam kung anong gawin mo sa buhay mo. Nakakairita lang kasi na humihingi ka ng bagay na alam naman nating lahat na hindi dapat hinihingi kundi kusang binibigay ng ibang tao.

Bagong putahe. Bagong relasyon. Bagong kapartner sa pagluluto. Bagong karelasyon. Teka, idol mo ba si Chef Ramon Revilla Senior?

0 comments:

Post a Comment