Wednesday, September 24, 2014

Wreck-it Ralph



Noon pa man, mahilig tayo na manood ng pelikula. Mapa-sinehan man o mga HDRip, DVDRip, Bluray copy sa mga torrent sites. Ginagawa lang natin, lights off, magkatabi tas may kung anong makakain sa harapan natin.

Diba naging remarkable satin yung palabas na Wreck-it Ralph? :)) Pano ba naman, umulan ng pagkalakas-lakas. E may usapan tayo sa bahay namin manuod. Pero dumating ka tapos pinagbake mo pa ko ng brownies. I gave you A++ for effort and sweetness! Sweetness mo at nung niluto mo! <3 Ang sarap talaga at ang ganda ng ambience pag umuulan, patay ang ilaw, at nakasandal ka sa balikat o nakayakap sa mahal mo. Plus yung niluto nya pa. HART HART HART ^____^

So ayun, natapos na yung palabas with sweet hugs in between. <3
Sabi ko pa nga, para kang si Felix kahit Ralph ang pangalam mo! Hahaha. ^_^v Ang galing mo mag-ayos ng mga bagay kasi diba nga madalas ako sayo magpatulong pag kelangan ko ng something. :))))

...

Pero, hindi ikaw si Felix eh. Ikaw si Ralph. At hindi ito yung palabas na yun, na sa bandang huli, happy ending.

Di ko alam kung bakit naging ganyan ka. Dati naman okay tayo diba? Ngayon, sabe mo, ayaw mo na. Ganun lang ba kadali yun? Na makalipas ng sweet things, ganun na lang? At walang dahilan? Sabi mo pa, hahanapin mo lang ang sarili mo? San mo ba kasi na-misplace ang sarili mo? Sana sakin nalang para maibalik natin ang dati.


Ang sakit sakit sa puso, parang literal na sasabog. Bakit ba kasi nagkaganto pa? :(

Yung puso ko? You wreck-it ralph.


*Miss MS

Alone with Memoirs




Relaxing yet sad songs playing
Every written entry, reminding me of the past
Everlasting as it seems
Alas! It's just a teenage forever
Lasts from 2 weeks to 7 months, or maybe some more

Pain is inevitable
One must learn to endure
I've made a lot of acts that turned into memories that hurt
I promised, I'll wait for you
I will never love anyone aside from you

Promises are fragile and must be kept properly
It must be treated with care
Weeks, months, years have passed
They've forgotten about us
And you're one of them

It's been long since I had someone by my side
The last time was on that night that we are cuddling
Though already in deathbed, I'd be willing to travel
Tour the world, just to see you again
Hug you and kiss you, before the final curtain

Tuesday, September 16, 2014

Yosi Break





Hithit-buga. Hithit. Buga.


Kung sana e ganto lang kadali ang lahat. Na anumang ipasok mo sa sistema mo ay parang usok galing sa sigarilyo na matapos mong hithitin ay mabibilis mong mabubuga.

Kaso hinde. Ginawa at nag-e-exist ang ilang bagay para maging kumplikado.


Marami akong mga katropa na kasabayan kong naadik sa bisyo na to. Yung ilan tumigil na, yung iba tuloy parin. Noon, nagtitipon kami minsan para mag-usap ng kung anu-ano na laging mauuwi sa tuksuan sa pag-ibig.

Sabe nung isa kong katropa dati na pilit nang umiiwas sa yosi, mali daw yung ginagawa ng iba na titigil bigla sa bisyo. Dapat daw dahan-dahan, wag biglain. So kung nakaka tatlong stick ka, dalawahin mo, hanggang maging isa, hanggang kalahati, hanggang tikim tikim, hanggang masanay ka na wala na.

Kungsabagay, may punto sya.


Hindi naman kasi tayo biglang naaadik sa mga bagay. Unti-unti lang hanggang lalong lumalala. So bakit ba tayo atat na magshortcut sa pag-iwas kung sa pagka-adik e nagdadahan dahan tayo?

Siguro ganto din yung pag-usad sa nasawing pag-ibig. Wag biglain. Maaring from lovers, turn to friends then from strangers again. Pero mahirap e. Sa lagay ng puso at estado ng pag-ibig ko ngayon, di ko alam ang gagawin. Alam kong kasalanan ko ang paglayo nya. Sinabi nya pang ayaw nya na saken. Na wag na ko manatili sa buhay nya.

Dahil ang pag-ibig ay isang uri ng bisyo. Na katulad ng mga shabu user na handang magbenta ng kung ano-ano para sa kinaadikan, ganun din tayo. Handa tayong gawin ang kung anu-ano para sa pag-ibig. Para manatili na nandyan, para maranasan ang sarap.

Alam mo, mahal kita. Tulad ng pagka-adik ng iba sa bisyo nila. Pero pwede bang kung wala na talaga at kailangan ko nang umiwas sa mga matatamis mong ngiti, malambing na tinig at mga buhok mong masayang sumasayaw sa hangin, dahan-dahanin mo din ang lahat? O pwede bang ituloy nalang natin ang paggamit sa drogang pag-ibig? Mahal kita. Sobra.

Puta, dami ko nang pinagsasasabe. Makapagyosi nga muna saglet.

Sunday, September 14, 2014

Halos Isang Taon



Pinipilit hatakin pabalik ang kalendaryo
Bakit kung kelan pa bukas ang ating anibersaryo
Bakit kung kelan nakahanda na ang mga pinlano
Sumalubong ang bagyo sa lumipad na eroplano

Pinipilit ang sarili na umusog at umusad
Kaso sa mabagal na treadmill pala ako lumalakad
Walang pupuntahan, parang stationary bike
Parang motor na humarurot at may nagulungan na spike

Parang mga multong pilit kong iniiwasan sa pagtulog
Na magigising ako sa panaginip na ako'y nahuhulog
Naghihintay at walang dinatnan, umalis ng bigo
Akala mo biyaheng langit lang tapos biglang liko

Bakit ngayon ko lang nalaman ang tinatagong katotohanan
Pero may option naman ako kung iiwas o magbubulag-bulagan
Sinalubong mo ako nang ngiti tulad ng una akong nahulog sayo
Mag-iingat ka lagi. Lalo na kapag natutulog kayo. At mapadaan ako.

Incognito



I am the unseen
Existing but not
Sees you but have no idea about that
I can tell what's happening in between

It's like man-in-the middle attack
Filtering the connections and lines thrown
I know it when you're happy and when you're torn
Peeking on what's going on from your back

I can access through accounts
Exchanges of messages; caring and sweet
I wonder if we could meet
Be someone whom you can count

Grammar lapses
It's hard that I do not exist
I'm not even in your friend list
All I've got is cyber power
Everything's forgotten after closing the browser
Painful, I wanna turn off the current by cutting the pulses.

I'd still love you while I can
Tries to avoid the memories from history,
CTRL+SHIFT+N

Offbeat




Pag dance lessons, syempre kung saan ka ipwesto ng magtuturo, susunod ka, dahil nga nagpapaturo ka. Hindi naman pwedeng hindi ka sumunod.

Tapos bigla tayong binigyan ng output na kailangan maipresenta bago matapos ang semestre. Sakto na tayo ang naging magkapares. Nakakatuwa nga yung ibang magkapares diba? Kasi alam ng klase na parehas silang marunong talaga sumayaw kaya siguradong aabangan yung presentation nila.

Tulad nang sinaing na na-tutong kahit na binantayan mo na, may mga hindi talaga inaasahan. Eto palang magkapares na akala natin magaling, medyo nagka-aberya sa pakikitungo sa isa't isa.

Nagkabunutan kasi tapos nauna sila, tayo next week pa daw. Okay naman yung presentation nila. Nagkaproblema lang sa bandang gitna hanggang dulo, nagkaleche-leche na.

At eto tayo, magkapares. Pilit tinuturuan ang sarili, ang bawat isa. Pero di na siguro kelangan ng dance instructor kasi maliit na presentation lang yun. Tamang nood nalang sa Youtube at konting hanap ng tamang tugtog.

Pero pag sinurpresa ka nga naman, gaya ng sa sunog na sinaing at nung una mong pinuntahan ang website ng x-rider.com nung di mo pa alam ang laman.

Hindi natin nabuo ang sayaw. Ni hindi nakapag-simula. Naalala ko lang yung napag-usapan natin dati.

Di pala tayo marunong sumayaw. Di pala tayo marunong sumabay sa indak.

Offbeat.