Friday, June 20, 2014

Love Feels V1




Naalala ko yung quote na pilit na dinidikit kay Bob Ong kahit hindi naman sa kanya. Na ang tao, mahina sa temptasyon. At isa ako sa kanilang di nakaiwas at nadala ng pagkakataon papunta sa mali.

Lahat daw ng ginagawa mo sa buhay mo e choice mo. Kung umiiyak ka, nanglalandi, nakikipagsex ng pa-nakaw at kung makasakit ka ng tao sa mga kalechehan mo, e choice mo. Pinili mo yun. At ginusto mo yun.

Naalala mo ba yung dating sinasabi ko sayo nung di pa tayo gaanong magkakilala? Nung sinusubok kitang sungkitin dahil tamad masyado si Juan sa pagkuha ng bunga mula sa puno? Puros haging na pangako na kung piliin mo man ako sa mga sandaling pag-ibig e di ka magsisisi at mga litanyang madalas madinig sa mga manloloko? Na di kita iiwan, di pababayaan, sa akin ay hindi ka iiyak nang kahit minsan. Shit, bakit ko ginamit yung kanta ni Sam Milby.

Makalipas ang halos isang taon nating paglalandian sa isa't isa, palitan ng mga matamis na salita at akto, ay nandito na ngayon tayo. Sa tagpong masakit sa puso. Yung umaabot sa literal na sakit. May nagawa akong mali. Lumayo ka. Masaya ka na ngayon sa iba eh. Bakit parang ambilis naman? Parang wala lang nangyare? Sabagay, choice mo yan.

Wala na yung kasalo ko sa pagtayo ng pangarap para sa buhay sa hinaharap. Sumpaang forever and ever. Masama bang gustuhin ko ulit na makasama ka? Na bumalik ulit sa dati? Oo, kasalanan ko. Eto ata yung halagang dapat pagbayaran na hanggang ngayon e utang ko pa din. Kapalit ng pagsuway sa bawal. Sinira ang pagkatao sa paningin mo. Kala ko talaga dati, walang katapusan eh. Kaso naputol yung hagdang walang hangganan. Ang forever naging for never. Asa pa ko.

After all, ako naman may mali kaya ano bang dapat ko ireklamo? Dapat di na ko naniwala. Punyetang forever yan. Oo, choice ko nga yun na di pinag-isipan. Pero isa lang ang alam ko. Na kung anuman ang dinaranas ko ngayong mag-isa ako; hindi ito ang ginusto ko.